Hinihinalang tulak ng shabu sa Ilocos Norte, timbog

Kim Lorenzo, ABS-CBN News

Posted at May 15 2017 04:58 PM

Arestado ang suspek na si Filbon Peralta dahil sa pagtutulak umano ng ilegal na droga. Photo courtesy of PNP- Sarrat

SARRAT, Ilocos Norte- Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isang beerhouse sa Barangay 21 nitong Sabado.

Ayon sa pulisya, nahuli sa akto na nagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang 'shabu' si Filbon Peralta.

Tinatayang nagkakahalagang P500 ang shabu at nahulihan rin ang suspek ng 3 pang sachet nito.

"Newly identifie[d] drug personality natin siya dito sa bayan ng Sarrat na mismo sa pinapasukan niyang beerhouse siya nagtutulak," ani C/Insp. Roldan Suitos, hepe ng PNP-Sarrat.

Inamin naman ni Peralta ang akusasyon sa kaniya at nagawa lamang daw niya ito dahil sa matinding kahirapan.

"Nagbenta talaga ako wala kasi akong pambili ng mga gagamitin ko," ani Peralta.

Sasampahan ito ng kasong pagtutulak at pag-iingat ng shabu,

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.