Patay ang isang sundalo matapos barilin ng kapuwa sundalo sa Tagum City, ayon sa pulisya.
Base sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang 34 anyos na biktima at isang angkas na babae nang biglang pagbabarilin ng suspek na lulan rin ng motorsiklo.
Nangyari umano ang insidente sa Barangay La Filipina noong gabi ng Biyernes.
Nagtamo umano ang biktima ng maraming tama ng bala at idineklarang dead on arrival sa ospital.
Nakita mismo ng angkas ang pamamaril at namukhaan ang suspek kaya nagkasa ang mga awtoridad ng hot pursuit operation upang mahuli ito.
Naniniwala ang mga awtoridad na crime of passion ang motibo sa krimen pero sinisilip din umano nila ang iba pang posibleng anggulo.
Hawak ng Tagum police ang suspek, na haharap sa kasong murder.
— Ulat ni Chrislen Bulosan
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, rehiyon, regions, regional news, Tagum, Davao del Norte