TAIWAN – Dismayado ang MECO dahil halos 25,000 lang sa 72 thousand na rehistrado para sa overseas voting sa Taiwan ang nakaboto. Dahil ito umano sa restrictions kasunod ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.
“Noong kasisimula pa lang ng boto tinawagan ko na ang Minister of Foreign Affairs upang sa ganon tulungan tayo kausapin ang kanilang Labor Ministry ng sa ganon tulungan tayo para payagan yung mga manggagawa na makaboto at ma-exercise nila ang right of suffrage which is very important,” pahayag ni MECO chairman and resident representative Willie Fernandez.
Kahit nagkaroon ng kaunting pangamba dahil sa delay ng pagtransmit ng mga boto noong gabi ng canvassing ng Mayo a-nueve at magdeklara ng recess ng labindalawang oras ang special board of canvassers, tagumpay pa rin ang Filipino overseas voting sa Taiwan kung saan nagpahayag ng interes ang isang grupong Asian Network for Free Elections.
“We don’t have the system like vote overseas like the electoral vote…so it’s our experience to learn from the Philippine election. So next day, tomorrow, our organization, we will have the press conference to let the Taiwanese people know how to run the election by your system by electoral, by overseas vote,” sabi ni James Hsu mula sa Asian Network For Free Elections.
Kuntento naman ang MECO na nagbunga ang kanilang pagtutulungan para mairaos nang maayos at malinis na overseas voting sa Taiwan.
Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.