PatrolPH

Jellyfish bumaha sa dalampasigan ng Boracay

Bayan Mo, Ipatrol Mo

Posted at May 14 2022 10:07 PM

Watch more News on iWantTFC

Sandamakmak na jellyfish ang tumambad sa mga turista sa Boracay nitong Sabado ng hapon.

Inanod sa tabing dagat ang mga jellyfish, na dahilan kung bakit naglagay ng red flag warning ang awtoridad para sa mga turista.

Makati at mahapdi kasi sa balat kapag nahawakan ang jellyfish o dikya, kaya tigil muna sa pagsi-swimming ang mga tao.

Nagpicturan at naglakad-lakad na lang sa white beach ang mga tao imbes na maligo at magtampisaw.

Ang iba, umupa na lang ng crystal kayak para magpapictorial imbes na lumusong sa dagat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.