PatrolPH

Away pulitika nauwi sa pananaksak sa Davao City; 2 patay

ABS-CBN News

Posted at May 14 2022 09:39 PM

Patay ang isang 71-anyos na lalaki at 30-anyos na anak nito matapos saksakin ng live-in partner ng anak at kapatid nito sa Brgy. Matina Apalaya, Davao City Biyernes ng gabi.

Away sa pulitika ang sinasabing dahilan ng krimen. 

Natalo kasi umano ang kandidato ng suspek na hindi suportado ng pamilya ng kinakasama kaya uminit ang ulo at nauwi sa saksakan ang argumento.

Una nang narinig ng mga kapitbahay ang away mula sa inuupahang bahay ng pamilya.

Lumabas ang suspek na may duguang kamay at sinabing “Patay ko kay napatay nako sila” (Patayin niyo ako kasi napatay ko sila.)

Ayon sa Talomo PNP, hindi ito ang unang beses na may napatay ang suspek. 

“May record na ‘to siya. 2020, nakapatay rin siya sa Buhangin area… nakakaso siya pero nagbail bond,” ayon sa hepe ng Talomo PNP na si Police Major Noel Villahermosa.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek na nakatakdang kasuhan ng double murder sa Lunes. - Chrislen Bulosan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.