PatrolPH

Taniman ng tubo nasunog sa Batangas

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at May 14 2021 03:59 AM

Taniman ng tubo nasunog sa Batangas 1
Taniman ng tubo, nasusunog sa Brgy. Lumbangan, Nasugbu, Batangas. Larawan ni Clarence Atienza Bulaclac.

MAYNILA—Mahigit 1 oras tumagal ang sunog sa taniman ng tubo sa bayan ng Nasugbu, Batangas, Huwebes ng gabi.

Ayon sa Nasugbu Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, itinawag ito sa kanila bago mag-alas-9 ng gabi.

Nasa pribadong lote ang taniman sa Barangay Lumbangan. 

Sabi ng Nasugbu Fire Station, umabot sa lawak ng 300 square meters ang nasunog.

Naapula ng mga bombero ang sunog alas-9:40 ng gabi.

Walang nadamay na ari-arian o tao sa naturang grass fire. — With a report from Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.