PatrolPH

TINGNAN: 100-anyos lola sa Fairview nakatanggap ng SAP cash aid

ABS-CBN News

Posted at May 14 2020 06:05 PM | Updated as of May 14 2020 09:14 PM

TINGNAN: 100-anyos lola sa Fairview nakatanggap ng SAP cash aid 1
Ayon sa matanda, sa mga anak niya ibibigay ang nakuhang ayuda. Screengrab

MAYNILA — Napakanta sa labis na saya si lola Natalia Basilan mula North Fairview, Quezon City matapos niyang makatanggap ng cash aid sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaan. 

Miyerkoles nang pumunta si Basilan sa kanilang barangay hall, pero bago pa makarating doon ay naabutan na siya ng mga opisyal kaya isinakay na siya para makuha ang ayuda.

Watch more on iWantTFC

Ayon sa matanda, sa mga anak niya ibibigay ang nakuhang ayuda. 

"Ang laking tulong po pambayad sa tubig niya at pambili ng meryenda niya. Malaking tulong itong nakuha namin sa gamot at tubig," ayon sa anak niyang si Narcisa Basilan.

Sa kabila ng katandaan, hindi nakalimutan ni Basilan na magpasalamat sa biyayang natanggap ngayong halos lahat ay gipit at hirap sa buhay. 

—Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.