2 tiklo matapos magbenta umano ng nakaw na church musical instruments sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at May 14 2020 09:33 PM

MAYNILA - Dalawan lalaki ang inaresto nitong Miyerkoles matapos magbenta ng mga mamahaling musical instruments na ninakaw umano nila mula sa isang simbahan sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Naiulat nasa P100,000 na halaga ng piano, microphone, speaker at iba pa ang narekober mula sa dalawang suspek.

Ayon kay Police Lt. Col. Gil Domingo, hepe ng San Jose Del Monte Police, nitong Lunes nadiskubre ng IRM Church sa Daang Barrio na nananakawan sila ng mga instruments.

Kinabukasan, nakatanggap ng impormasyon ang pastor ng simbahan na may mga nagbebenta ng musical instruments na kapareho ng ninakaw sa simbahan.

Nagsagawa ng operasyon ang pulisya laban sa mga suspek, na mga residente ng San Jose Del Monte at Pandi, Bulacan. Tinukoy ng simbahan na kanila ang mga nakuhang instrumento.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong robbery at paglabag sa Anti-Fencing Law o pagbenta o pagbili sa mga nakaw na gamit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.