TINGNAN: Mayor-elect sa Leyte, 1 boto lang ang lamang sa halalan

ABS-CBN News

Posted at May 14 2019 12:45 PM | Updated as of May 14 2019 01:56 PM

Ipinroklama na ng Commission on Elections si Remedio “Wingbebot” Veloso matapos talunin ang incumbent mayor Susan Ang sa pagka-alkalde sa bayan ng San Isidro sa Leyte. 

Isang boto lamang ang naging agwat ni Veloso sa kaniyang kalaban. 

Base sa opisyal na resultang ipinalabas ng Comelec, nakakuha si Remedio Veloso nang 8,829 - mas mataas nang isang boto kaysa sa kalaban niyang si Ang, na nakakuha ng 8,828 boto. 

Matatandaan na noong May 8, namatay sa pamamaril ang kaalyado at isa sa mga leader ng pamilya ni Ang na si Levi Mabini, na siya ring municipal administrator ng bayan.

Sa ngayon ay hindi parin matukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng gunman na bumaril kay Mabini.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.