Phivolcs: M7.7 lindol sa Papua New Guinea, walang banta ng tsunami sa Pilipinas

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at May 14 2019 10:53 PM

MAYNILA - Walang banta ng tsunami sa Pilipinas, ayon sa Phivolcs, matapos yanigin ng magnitude 7.7 na lindol ang Papua New Guinea nitong Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang pagtatayang ito ay batay sa impormasyong mayroon sila sa ngayon.

Nito lamang Mayo 7, niyanig din ng magnitude 7.1 na lindol ang Papua New Guinea. Wala ring tsunami threat na naitala sa Pilipinas bunsod ng lindol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.