#HalalanResults: Incumbent mayor sa Puerto Princesa, panalo na

Diana Lat, ABS-CBN News

Posted at May 14 2019 10:02 AM | Updated as of May 14 2019 10:12 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Mananatili sa kaniyang pwesto ang incumbent mayor ng Puerto Princesa City sa Palawan matapos na maiproklamang panalo sa Mayo 13 na halalan.

Martes ng umaga nang sinimulan ng Commission on Elections na iproklama ang mga nanalong kandidato sa lungsod.

Panalo si Lucilo Bayron sa pagka-alkalde matapos na makatanggap ng 59,944 na boto habang 41,434 lamang na boto ang nakuha ng pinakamalapit niyang katunggali na si incumbent vice mayor Luis Marcaida III.

<

Naiproklama rin ang walang katunggali sa pagka bise alkalde si Nancy Socrates na nakakuha ng 79,304 votes.

Nahalal din bilang bagong konsehal ng bayan sina Matthew Mendoza, Jimbo Maristela, Victor Oliveros, Jimmy Carbonel, Elgin Damasco, Nesario Awat, Patrick Hagedorn, Roy Ventura, Henry Gadiano, at Herbert Dilig.

Samantala, sinampahan naman ng kasong vote buying ni dating mayor Edward Hagedorn ang partido Kuridas ni Bayron.

Ayon sa kanilang abugado, magandang hakbang umano ito para maturuan ng leksiyon ang pagsasawalang-bahala sa ipinatutupad na panuntunan tuwing eleksiyon. 

Inaasahan nila na magiging maganda ang tugon at resulta sa knilang apela lalo pa’t hawak nila ang patunay sa vote buying.

Ayaw naman munang patulan ito ni Bayron dahil wala pa silang natatanggap na kopya ng complaint.

Pero ayon sa mayor, bahala na ang abugado nila sa kaso. Hakbang lang umano ito ni Hagedorn na kilalang taga suporta ng kalabang partido dahil ‘di nila matanggap ang pagkatalo.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.