2 anak ni Congressman Fariñas, naiproklama nang panalo sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at May 14 2019 08:13 PM

Naiproklama na ang dalawang anak ni Ilocos Norte First District Congressman Rodolfo Fariñas sa kanilang mga tinakbuhang posisyon.

Nanalo si Board Member Ria Fariñas bilang congresswoman ng unang distrito ng Ilocos Norte.

2 anak ni Congressman Fariñas, naiproklama nang panalo sa Ilocos Norte 1
Ipinroklama si Board Member Ria Fariñas bilang congresswoman ng unang distrito ng Ilocos Norte. Grace Alba, ABS-CBN News

Tinalo niya si Ryan Remigio na sinusuportahan ng pamilya Marcos.

Nakakuha ng 106,789 boto si Fariñas habang 46,012 naman ang nakuha ni Remigio.

Sumunod na naiproklama ang bunsong kapatid nito na si Rodolfo Christian Fariñas sa pagka-board member sa Ilocos Norte.

Sa edad na 23 anyos, si Christian ang pinakabatang board member na nahalal sa Ilocos Norte.

2 anak ni Congressman Fariñas, naiproklama nang panalo sa Ilocos Norte 2
Ipinroklama si Rodolfo Christian Fariñas bilang board member ng unang distrito ng Ilocos Norte. Grace Alba, ABS-CBN News

Itinuturing naman ng kanilang ama na pinakamagandang regalo sa kanyang pagreretiro sa pulitika ang pagkapanalo ng kanyang mga anak.

“ It’s the best retirement gift anyone could ask for dahil my daughter successfully won my seat that I will vacate in 46 days," ani Congressman Farinas.

Nauna nang iniatras ni Congressman Fariñas ang kaniyang kandidatura sa pagka-gobernador ng lalawigan.

Makakatunggali sana niya si Ilocos Norte board member Matthew Marcos Manotoc, apo ni dating pangulong Ferdinand Marcos.