Ilang baril nakuha ng mga pulis sa liblib na barangay sa Leyte

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at May 14 2018 05:30 PM

TABANGO, Leyte - Nakuha ng mga pulis ang ilang mga baril matapos ang isang hot pursuit operation Linggo ng umaga sa liblib na barangay sa Tabango, Leyte.

Ayon sa impormasyon mula sa Police Regional Office 8, ilang residente ang nagsumbong sa awtoridad dahil sila umano ay hina-harass ng ilang armadong lalaki sa Sitio Fortuna II sa Barangay Omaganhan sa bayan ng Tabango.

Sa isinagawang operasyon na pinangunahan mismo ni Chief Superintendent Gilberto Cruz, nakipagbarilan pa ang mga lalaki at nakatakbo.

Nakuha sa lugar ang isang caliber .45 pistol, dalawang caliber .38 pistol, isang 5.56 caliber, isang M-16 rifle at isang improvised shotgun.

Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation upang mahuli ang mga armadong lalaki.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.