Pagawaan ng gulong sa Clark, Pampanga nasunog

ABS-CBN News

Posted at May 14 2017 04:45 PM | Updated as of May 14 2017 06:14 PM

MAYNILA -- (UPDATED) Nasunog ang isang pagawaan ng gulong sa Clark, Pampanga Linggo ng hapon.

Ayon kay FO1 Adrian Aguilar ng Angeles City Fire Station, unang naiulat sa kanila ang sunog sa Yokohama Tire Philippines, Inc. bandang alas-3:36 ng hapon.

Paliwanag ng ilang nagtatrabaho sa pagawaan, nag-umpisa umano ang sunog sa warehouse ng pabrika na mabilis kumalat.

Agad itinaas sa unang alarma ang sunog at ngayo'y inaapula pa rin ng mga rumespondeng bombero. -- with a report from Kate Cunanan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.