Duterte, may pakiusap at pangako sa mga OFW

ABS-CBN News

Posted at May 14 2017 04:52 PM | Updated as of May 14 2017 07:29 PM

(UPDATE) Sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hong Kong, humarap siya sa overseas Filipino workers (OFW) at tiniyak na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para maging maayos ang kanilang kalagayan.

Kuwento ng ilang OFW, nasanay na silang matulog sa anumang maliit na espasyong ibinigay ng kanilang amo. Natitiis daw nila iyon. Mas ipinapanawagan nila ang pagtanggal ng overseas employment certificate dahil tila parusa ito sa kanila.

Sana rin daw ay tuluyan nang masawata ang illegal recruiters.

Pagtitiyak ni Duterte, tutugunan ng kaniyang administrasyon ang mga pangangailangan ng mga kababayan nating nakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Hiniling din ng Pangulo sa mga OFW na bigyan pa siya ng panahon dahil plano niyang magkaroon ng sapat na maayos na trabaho sa Pilipinas para hindi na nila kailangang mangibang bansa pa. 

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.