Bakit hindi natatanggap kahit qualified sa trabaho?

ABS-CBN News

Posted at May 14 2017 04:47 PM | Updated as of May 14 2017 11:22 PM

Nitong nakaraang nationwide Labor Day job fair ng DOLE, mayroong mahigit 66,000 aplikante, pero 10% lamang nito o mahigit 6,000 ang natanggap sa trabaho on the spot.

Paliwanag ng DOLE, marami ang hindi natatanggap kahit pa maraming trabahong nangangailangan ng empleyado.

Base raw kasi sa isang survey sa mga employer, kadalasang may kakulangan ang ilang aplikante sa tinatawag na "soft skills" tulad ng interpersonal, social at communication skills.

May programa ang DOLE para sanayin ang mga aplikante sa ganiyang klase ng skills. Ito ang programang "Jobstart" kung saan libreng sasanayin ang mga estudyante sa loob ng 10 araw para mas maging handa sa susunod nilang job application.

Ayon sa DOLE, 80% ng sumasailalim sa training ay natatanggap kalaunan sa trabaho.

Sa mga interesado, mangyaring pumunta lang sa Public Employment Service Office ng inyong local government unit para sa schedule ng Jobstart program ngayong taon.


-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News