3 bangkang iligal na nangunguha ng scrap metal sa Bataan, tiklo

Zhander Cayabyab, DZMM

Posted at May 14 2017 02:47 PM

MANILA - Binatak ng Philippine Coast Guard ang tatlong bangkang nagsasagawa ng iligal na salvage operation sa karagatang sakop ng Mariveles, Bataan Linggo.

Namataan ng PCG Maritime Patrol ang mga bangka na rumuronda sa bahagi ng Barangay Lucanin habang hila-hila ang mga drum na ginagamit na floater o pampalutang ng scrap metal mula sa mga lumubog na barko.

Nakipag-ugnayan ang Maritime Patrol team sa PCG Lamao sub-station para mahanap ang mga bangka at tuluyang ma-impound.

Ayon kay PCG spokerperson Commander Armand Balilo, nabatid na iligal ang pangangahoy ng scrap metal ng dahil hindi accredited ang mga tauhan nito nito at wala ring salvage permit to operate.

Narekober sa bangka ang isang 4-toneladang metal pipeline.
 
Pagmumultahin ng PCG ang limang tauhan ng bangka.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.