PatrolPH

PNP naglabas ng sketch ng suspek sa pagpatay ng kapitan sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at May 13 2022 01:20 AM

Kuha ng Pampanga PPO
Kuha ng Pampanga PPO

Inilabas ng pulisya ang cartographic sketch ng isa sa mga itinuturong suspek sa likod ng pagpatay ng isang kapitan sa lungsod ng San Fernando, Pampanga noong Abril.

Matatandaang nakunan ng CCTV ang pamamaril kay Alvin Mendoza ng Barangay Alasas noong Abril 30 ng mga hindi pa nakikilalang gunmen.

Nauna nang kinundena ni Pampanga Gov. Dennis Pineda ang nangyaring pagpatay at iniutos ang mas malalim na imbestigasyon sa krimen.

Nag-alok si Pineda ng ₱800,000 pabuya para sa sinumang makapagtuturo ng sa kinaroroonan ng mga suspek.

Tatakbong konsehal sana sa San Fernando si Mendoza.

Pinalitan siya ng kaniyang maybahay na si Rosalie Mendoza na pumangalawa sa pagka-konsehal.—Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.