3 menor de edad na ginamit bilang drug courier, nasagip sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at May 13 2021 01:26 AM

Nasagip ng awtoridad nitong Miyerkoles ang 3 menor de edad na lalaki na ginamit umano bilang mga drug courier sa lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan. 

Nailigtas ang mga ito, na nasa edad 12 hanggang 13, matapos magsagawa ang Philippine Drug Enforcement Agency Region III (PDEA-3) ng buy-bust sa Pleasant Hill Subdivision, Barangay San Manuel sa naturang bayan. 

Mula umano sa tip na may illegal drug activities sa lugar, inilunsad ng mga awtoridad ang isang entrapment operation laban sa target na si alyas Abdul. 

BALIKAN: 

Watch more in iWantTFC

Pero imbes na ang target suspek, ang mga menor de edad ang lumutang sa venue. Dito na rin daw sila na-rescue. 

Sa inisyal na imbestigasyon, inutusan ni Abdul ang mga bata na ihatid ang umano'y ilegal na droga sa loob ng isang subdivision at nangakong babayaran sila. 

Ang mga batang lalaki ay nakatakdang i-turn over sa local Social Welfare Development officer doon. 

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 si Abdul na pinaghahanap pa rin ngayon. — Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.