PatrolPH

Bank manager, sugatan sa pamamaril sa CamSur

ABS-CBN News

Posted at May 13 2021 04:02 PM

Bank manager, sugatan sa pamamaril sa CamSur 1
Nakikipag-inuman ang biktima nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect sa Barangay Solnopan sa Caramoan, Camarines Sur. Larawan mula sa Caramoan Municipal Police Station

Sugatan ang 42-anyos na manager ng isang bangko sa pamamaril sa Barangay Solnopan sa Caramoan, Camarines Sur, Martes ng gabi.
 
Ayon sa pulisya, nakikipag-inuman sa mga kasama sa trabaho si Domiciano Puerta nang barilin ng isang lalaki habang nasa beranda ng isang bahay sa naturang barangay.

Si Puerta ay branch manager ng isang bangko sa Caramoan.

Agad nadala sa ospital ang biktima, habang nakatakas ang salarin na tinutugis na umano ngayon ng pulisya.

Inaalam pa ng pulisya kung personal o may kaugnayan sa trabaho ang motibo sa pamamaril.

- Ulat ni Jonathan Magistrado

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.