TINGNAN: Karne, itlog at tinapay handog ng SK sa mga nagsipagtapos na kabarangay

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at May 13 2020 04:56 PM | Updated as of May 13 2020 05:25 PM

Dahil hindi nakapagmartsa bunsod ng lockdown, nagpasya ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Sta. Rosa sa Laoag City na sorpresahin ang 42 kabarangay na nagsipagtapos ng grades 6, 10 at 12 ng regalong karne, itlog at tinapay. Larawan mula kay SK Chairman Juan Carlo Tabios III

LAOAG CITY - Kakaibang graduation celebration ang ipinadama ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Sta. Rosa sa 42 mag-aaral na kabarangay na nagsipagtapos ng basic education.

Karneng manok, tinapay, itlog, at iba pang pagkain ang kanilang handog sa mga nagsipagtapos na mag-aaral ng grades 6, 10 at 12 ng AMAROSA Elementary School.

"Hindi na kasi nakapagmartsa at nakapaghanda ang graduates dahil sa quarantine, at least man lang ay mapasaya at mabigyan sila ng konting regalo," pahayag ni SK Chairman Juan Carlos Tabios III.

Mula naman sa pondo ng SK sa nasabing barangay ang perang ipinambili ng kanilang simpleng regalo sa mga mag-aaral.