Poll watcher nakaligtas sa pamamaril sa La Union; 2 arestado

ABS-CBN News

Posted at May 13 2019 01:16 PM

Nakaligtas ang poll watcher ng isang tumatakbong kongresista sa Aringay, La Union sa tangkang pamamaril at pambubugbog umano sa kaniya sa isang polling center nitong Lunes. 

Ayon sa mga pulis, nagpaputok umano ng baril ang 32 anyos na suspek sa biktima sa Aringay Central Elementary School pero hindi natamaan ang biktima. 

Ngunit makalipas nito, sumugod umano ang kasamahan ng suspek para bugbugin ang biktima. 

Nagresulta ito sa pansamantalang pagkaantala ng pagboto sa naturang polling center, kung saan may mga ilan nang nagsisimulang bumoto. 

Nagde-deliver ng pagkain sa polling center ang biktima nang mangyari ang insidente.

Arestado ang parehong suspek at nakuha sa kanila ang .38 revolver, 3 cartridge at 3 live ammo. 

Nakatakdang kasuhan ng attempted homicide ang 2 suspek.
 
-- Ulat ni Michelle Soriano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.