Imelda Papin nag-speedboat para makaboto

ABS-CBN News

Posted at May 13 2019 03:24 PM | Updated as of May 13 2019 04:37 PM

Sumakay ng speedboat si Camarines Sur vice gubernatorial candidate at singer Imelda Papin para makaboto. ABS-CBN News

Dumiskarte si Camarines Sur vice gubernatorial candidate at singer Imelda Papin para makaboto ngayong Lunes.

Sumakay si Papin ng speedboat para makabiyahe mula Talisay Port sa bayan ng San Jose patungo sa pagbobotohan niyang presinto sa karatig-bayan ng Presentacion.

Wala raw kasing kalsadang maaaring daanan ng mga malalaking sasakyan.

ABS-CBN News

Inabot ng halos isang oras ang biyahe ni Papin.

Nang makarating sa presinto, nabigyan ng prayoridad bilang senior citizen si Papin kaya agad siyang nakaboto.

ABS-CBN News

Biyaheng Naga City naman si Papin pauwi sa kanilang bahay matapos bumoto.

Magugunitang tumakbo noong 2016 halalan si Papin bilang 4th district representative ng Camarines Sur pero tinalo siya ni Arnulfo Fuentebella. -- Ulat ni Mae Pulvinar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

For updates on Halalan 2019 click here