PatrolPH

Chavit Singson, kampanteng mananalo sa pagka-alkalde

Bryan Realgo, ABS-CBN News

Posted at May 13 2019 01:19 PM

NARVACAN, Ilocos Sur - Nakaboto na si dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson sa Sulvec Integrated School sa bayan na ito, Lunes ng umaga.

Tumatakbo si Singson bilang alkalde ng bayan na ito laban sa dating mayor na si Edgardo Zaragoza.

Si Singson ay nasa ilalim ng Bileg Party, isang local political party sa lalawigan, habang PDP-Laban naman ang partido ni Zaragosa.

Kampante si Singson na siya ang mananalong alkalde ng bayan na tatapos sa mahigit 30-taong pamamahala ng pamilya Zaragoza.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.