5 sugatan sa pamamaril sa Maguindanao

ABS-CBN News

Posted at May 13 2019 06:27 PM

Limang tao ang nasugatan sa insidente ng pamamaril sa bayan ng Parang, Maguindanao nitong umaga ng Lunes, araw ng halalan.

Pawang mga residente ng karatig-bayan ng Barira ang mga biktima at dumayo sa Parang para magpakita ng suporta kay Parang mayoral candidate Mimbalawag Mangotara.

Nasa tapat umano ng polling center ang mga biktima nang bigla silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin pasado alas-11 ng umaga.

Pansamantalang nahinto ang botohan sa nasabing polling center matapos ang pamamaril pero nagpatuloy rin bandang ala-1 ng hapon.

Nagpapagamot ang mga biktima sa Cotabato Regional and Medical Center.

--Ulat ni Arianne Apatan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

For updates on Halalan 2019 click here