Paaralang walang permit noon, iniimbestigahan

ABS-CBN News

Posted at May 13 2017 06:37 PM | Updated as of May 13 2017 10:05 PM

Inireklamo ng dalawang ina ang The Builder's School sa Project 4, Quezon City dahil wala pala itong permit mula sa Department of Education noon pang 2010, subalit nakakuha na raw ang nasabing paaralan ng permit para sa school year 2017-2018, kaya validating tests na lang ang kailangang gawin ng mga estudyante.

Nadiskubreng walang permit ang The Builder's School nina Melissa Reyes-Uy at Karen Menor nang ilipat sa ibang eskuwelahan ang kanilang anak.

Kaya ang ending, kailangang kumuha ng validating tests ang mga estudyante para di masayang ang mga taon nila sa 'di lisensiyadong paaralan.

"Sana bago sila nag-operate, chineck muna nila na talagang may papers sila para hindi kami naaapektuhan nang ganito," ayon kay Menor.

Nauna nang tumangging magbigay ng pahayag ang pamunuan ng The Builders' School habang iniimbestigahan pa ang kaso.

Kinumpirma naman ni DepEd NCR Director Ponciano A. Menguito na walang permit ang paaralan mula 2010 hanggang school year 2016-2017. 

Pero nakakuha na raw ito ng permit para sa school year 2017-2018, kaya pwede na ulit tumanggap ng mga estudyante. 

Sa mga estudyanteng nag-aral noong wala pang permit ang paaralan, kailangan lang kumuha ng validating test sa DepEd.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.