Lalaki, sugatan nang mabundol ng sasakyan sa QC

Fred Cipres, DZMM

Posted at May 13 2017 08:54 AM

Sugatan ang isang lalaki matapos mabundol ng isang sasakyan sa E. Rodriguez sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Sonny Tobias, isang family driver.

Ayon kay Ridilfo Duma, driver ng nakabanggang kulay puting Kia Carnival na may plakang ZNX 923, bigla umanong tumawid ang biktima at huli na nang kanyang napansin kaya’t hindi siya nakapag-preno.

Nagdudugo ang ulo ng biktima dahil tumama ito sa windshield ng nakabanggang sasakyan.

Iniimbestigahan na ng Quezon City Police District Traffic Sector ang aksidente.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.