2 bata, patay sa sunog na sumiklab sa kabahayan sa Lipa

Fay Virrey, ABS-CBN News

Posted at May 13 2017 03:53 PM

Sunog sa Barangay Dos, Lipa City sa Batangas

BATANGAS- Dalawang bata ang kumpirmadong patay sa isang sunog na sumiklab sa Barangay Dos, Lipa City Sabado ng umaga, kung saan sampung kabahayan ang natupok. 

Ayon kay Bureau of Fire Protection Lipa City Fire Marshal Senior Inspector Bon Nicasio, naiwan umano ng nag-aalaga ang dalawang bata nang magsimula ang sunog. Hindi pa pinapangalanan ang mga biktima. 

Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog kaya kinailangang humingi ng tulong ang mga tagapamatay-sunog sa mga katabing bayan ng San Jose, Mataasnakahoy at Padre Garcia.

Sunog sa Barangay Dos, Lipa City sa Batangas Video courtesy of Aldrin Romero Lasi

Idineklara ang sunog na kontrolado na bandang ala-1 ng hapon at tuluyan itong naapula 1:30 ng hapon. Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.