MAYNILA -- Ibinahagi ni Bayan Patroller Sam dela Costa ang kaniyang pagkabahala matapos makatanggap ng isang SMS patungkol sa kaniyang account sa UnionBank.
Noong Lunes, Mayo 8, nakatanggap si Dela Costa ng isang text message pero walang mobile number ng sender.
Sa text message makikitang nakalagay na kasalukuyang on-hold umano ang account niya sa bangko at may kailangang bisitahin na websie para ma-verify kung active pa ang kanyang registered number.
"Ito yung first time na makakuha ako ng text na walang number na pwedeng i-report... Alam kong hindi siya accredited kasi nakakakuha ako ng text ng official UnionBank," pagbabahagi niya.
Aniya, may savings account siya sa UnionBank at mabuti na lang ay hindi ito nagalaw kahit nakatanggap siya ng mensahe sa text.
Nakapagpadala na siya ng mensahe sa email patungkol sa reklamo.
Sa isang tweet, nagbigay paalala ang UnionBank para makaiwas sa "phishing," katulad ng pagkilatis sa pinagmulan ng mensahe.
"Watch out for text messages asking you to verify your account by clicking on a link. Do not engage or respond," ayon sa bangko, na nagbahagi ng screenshot ng katulad ng kay dela Costa.
Suki na ng mga text scam tungkol sa bank transaction si Dela Costa at halos 20 beses na siyang nakakapag-report sa kanyang telecommunication provider.
Mensahe niya, maging alerto ang lahat dahil nagiging maparaan ang mga scammers sa panloloko.
Hiling niya na sana magabayan din ang mga taong hindi technology savvy para maiwasan silang mabiktima ng mga scam.
KAUGNAY NA VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, Text Scams, Bayan Patroller, BMPM, unionbank, scam, scammer