Lumad leader sugatan sa pamamaril sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at May 12 2021 04:14 PM


DAVAO CITY — Nagpapagaling hanggang ngayon ang isang Lumad leader sa lungsod na ito matapos siyang masugatan sa pamamaril ng hindi pa kilalang salarin noong Linggo.

Nangyari ang pamamaril kay Leonora Braganza Naraval, 62, sa Davao-Bukidnon Road sa distrito ng Calinan.

Batay sa imbestigasyon ng Calinan Police Station, bandang 3:30 p.m. noong Linggo ay pumarada ang SUV ni Naraval sa harap ng gasolinahan para bumili ng pagkain sa katabing bakery.

Pagbalik ng biktima sa sasakyan, isang itim na SUV ang huminto malapit at doon siya pinaputukan. 

Patuloy na ginagamot si Naraval sa ospital.

Kinikilala pa ngayon ng pulisya ang salarin sa pamamaril at kung ano ang motibo sa krimen.

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantTFC