Hinihinalang carnapper na 10 taong nagtago arestado sa Maynila

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at May 12 2021 06:55 AM | Updated as of May 12 2021 07:13 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA—Matapos ang halos 10 taong pagtatago sa batas, arestado ang isang lalaking wanted sa carnapping sa lungsod na ito.

Taong 2011 pa lumabas ang warrant of arrest laban kay Christopher Pacamara, 47.

Ayon kay Police Capt. Philipp Ines, public information officer ng Sampaloc Police, kilala ang lalaki sa pagnanakaw ng sasakyan sa lungsod.

Palipat-lipat din umano ang suspek para hindi mahuli hanggang sa makatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon na umuwi ang suspek sa Sampaloc.

Inabutan siya malapit sa PNR station sa España Boulevard.

Hindi nagbigay ng pahayag ang inaresto at inaalam pa kung may sinasamahan siyang grupo sa pagnanakaw ng sasakyan.

Haharapin na niya ngayon ang kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.