Driver ng motorsiklo patay nang tangayin ng rumaragasang ilog sa Samal Island

ABS-CBN News

Posted at May 12 2021 12:51 AM

Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa isinagawang search and rescue operation Lunes ng umaga sa Barangay Guilon sa Island Garden City of Samal (IGACOS), lalawigan ng Davao del Norte.

Kinilala ang bangkay ni Czar Alexander Nicholas, na naiulat na nawawala Linggo ng gabi.

Ayon sa pulisya, tumawid ang biktima lulan ng motorsiklo sa rumaragasang tubig ng ilog bunsod ng malakas na ulan.

May angkas pa ang biktima na kasama umano niya sa trabaho.

Pero tinangay ng tubig si Nicholas at nakaligtas naman ang angkas nito.

Si Nicholas ay driver ng IGACOS Investment and Tourism Office. — Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.