PatrolPH

61 anyos nahulihan ng P270,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Aklan

ABS-CBN News

Posted at May 12 2021 02:47 PM

Arestado ang isang 61 anyos na lalaki sa isang buy-bust operation sa Barangay Laguinbanua sa bayan ng Ibajay sa Aklan, gabi ng Martes. 

Ayon kay Police Lt. Col. Frenzy Andrade, hepe ng Police Drug Enforcement Unit ng Aklan, halos isang buwan nilang sinubaybayan ang suspek.

Nabilhan ng nagpanggang na buyer ang suspek ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P25,000.

Dagdag na nakuha sa suspek ang pitong malalaking plastic sachet ng hinihinalang shabu na may halagang higit P270,000.

Samantala, nasa kustodiya na ng Ibajay police ang suspek, na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

— Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.