PatrolPH

119 lumabag sa curfew, liquor ban hinuli sa Digos City

ABS-CBN News

Posted at May 12 2021 03:37 PM | Updated as of May 12 2021 03:57 PM

119 lumabag sa curfew, liquor ban hinuli sa Digos City 1
Hinuli ng mga pulis noong Mayo 11, 2021 ang daan-daang tao sa isang restaurant sa Digos City dahil sa paglabag sa health protocols. Larawan mula sa Digos City police

Hinuli ng mga awtoridad noong gabi ng Martes ang 119 parokyanong naabutan sa isang restaurant sa Digos City dahil sa paglabag sa curfew at liquor ban.

Dinala sa Digos City Police Station ang mga parokyano, kabilang ang 9 menor de edad, na nahuli sa restaurant sa Barangay Dawis bandang alas-11 ng gabi.

Hindi rin umano nasunod ang physical distancing - isang hakbang laban sa pagkalat ng COVID-19 - sa nasabing kainan.

Binigyan ng citation ticket ang mga nahuli dahil sa kanilang mga paglabag.

Kasalukuyang nasa ilalim ng modified general community quarantine, ang pinakamaluwag sa 4-level quarantine status, ang Digos City, na may 28 active COVID-19 cases.

Sa kabuuan, nakapagtala ang lungsod ng 848 kumpirmadong kaso ng COVID-19.

 Ulat ni Hernel Tocmo

 RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.