Ospital ng Tondo sarado sa loob nang 2 linggo

ABS-CBN News

Posted at May 12 2020 01:31 PM

MAYNILA — Isinara simula Lunes ang Ospital ng Tondo sa Maynila para bigyang daan ang paglilinis at pagsasaayos ng mga pasilidad para sa COVID-19 patients, na tatagal nang 2 linggo, ayon sa pamunuan ng ospital.

Ayon sa pamunuan, epektibo simula Lunes ang pansamantalang pagsara sa ospital para magsagawa ng thermal cleaning, disinfection, pest control at pagsasaayos ng mga pasilidad.

Tatagal umano ang temporary closure hanggang Mayo 24.

Habang sarado ang ospital, ang medical at nursing staff nito ay tutulong na magserbisyo sa Santa Ana Hospital o Manila Infectious Disease Control Center.

Tuloy naman umano ang serbisyo ng radiology at laboratory section ng ospital para sa mga referral mula Manila City Health Department at city district hospitals, pero sa panahaon lang muna ng office hours.

Ang mga pasyente ng Ospital ng Tondo ay pinayuhang magtungo muna sa iba pang city district hospital o mga mas malapit na health institution sa Maynila.

-- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.