Kasabay ng mga online class ngayon sa mga unibersidad at kolehiyo sa Ilocos Norte na isa sa mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 ay ang patuloy na online fund drive ng local youth development officer ng bayan ng Pagudpud na si Pat Quitoriano.
Layunin nitong matulungan ang mga estudyanteng nangangailangan sa panahon ng krisis sa pamamagitan ng free load para sa mga ito.
“The fund-raising program that I did online is for the students of the different universities and colleges in Ilocos Norte. Regardless what province they are from, from Ilocos Sur, Ilocos Norte, or Cagayan, they can access the free load as long as we have sponsors," paliwanag ni Quitoriano.
"It is with great help for them because they have already their online classes and some students or even most of the students are complaining that they do not have allowance and their parents do not have work," dagdag pa ni Quitoriano.
Nagsimula ito noong nakaraang linggo at target makapagbigay mg load hanggang matapos ang online classes.
May mahigit 100 estudyante mula sa iba’t-ibang unibersidad at kolehiyo sa lalawigan ang nakatanggap ng tig-P100 na load mula sa mga sponsor.
Labis na nagpapasalamat din si Quitoriano sa mga tumulong sa kanilang bayan para mabigyan ang bawat barangay nito ng pocket WIFI kung saan pwedeng maka-access ng internet ang mga estudyante.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.