PatrolPH

Hinihinalang rebelde patay sa barilan sa Surigao del Sur

ABS-CBN News

Posted at May 12 2020 01:09 PM

Patay ang isang hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) matapos makipagbarilan sa mga sundalo nitong umaga ng Lunes sa bayan ng Cantilan, Surigao del Sur.

Ayon kay Captain Jonald Romorosa ng 36th Infantry Battalion ng Philippine Army, rumesponde ang kanilang tropa sa report ng mga residente ng Sitio Avelino, Barangay Cabangahan na may mga miyembro ng NPA na nangingikil sa lugar.

Nang dumating, nagkaroon umano ng 5 minutong engkuwentro sa pagitan ng mga hinihinalang rebelde at sundalo, kung saan isa ang nasawi.

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang AK-47 assault rifle, mga bala, personal na gamit ng mga umano ay NPA, at mga dokumento.

Nai-turn over sa mga pulis at barangay official ang nasawing lalaki para matukoy ang pagkakakilanlan nito.

-- Ulat ni Charmane Awitan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.