2 magkatabing warehouse nasunog sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at May 12 2020 07:11 PM | Updated as of May 12 2020 11:24 PM

Firemen try to put out a fire at a warehouse in Veterans Road, Western Bicutan, Taguig City on Tuesday, May 12, 2020. The blaze was raised on third alarm status at 5:47 p.m. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA - Natupok ang dalawang magkatabing warehouse sa Bicutan, Taguig City nitong Martes ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, pasado alas-5 ng hapon umano nagsimula ang pagsiklab sa mga naturang warehouse sa Veterans Road.

Itinaas sa ikatlong alarma ang sunog.

Ang laman umano ng mga natupok na warehouse ay mga carpet at mga electronic appliances.

Patuloy na inaapula ang apoy. --Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News