TINGNAN: Paghahatid ng mga VCM sa ibang bahagi ng Abra, pahirapan

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at May 12 2019 06:30 PM

BANGUED, Abra- Naihatid na ang mga vote counting machine (VCM) sa mga matataas na munisipalidad sa lalawigan ng Abra.

Pero hindi umano naging madali ang pagdala ng mga ito sa bayan.

Sa Barangay Talipugo sa munisipalidad ng Lacub, dalawang araw umano ang aabutin para madala ang mga VCM sa polling precinct na may higit 200 na botante.

Nagsimula nang maglakad ang mga miyembro ng Board of Election Inspectors (BEI) madaling araw ng Sabado at inaasahang darating sa nasabing barangay Linggo ng gabi.

Sa bayan naman ng Langiden, itinatawid sa ilog ang mga VCM at balota.

Sa bayan ng Malibcong kailangan ding akyatin ang bundok para maihatid ang mga gagamitin sa eleksyon.

Ayon sa provicial election supervisor ng Abra, 348 na VCM ang inihatid sa mga bayan ng lalawigan.

Itinatawid sa ilog ang mga vote counting machine at balota para makarating sa mga presinto sa munisipalidad ng Langiden sa Abra. Photo courtesy of Comelec Abra

Itinatawid sa ilog ang mga vote counting machine at balota para makarating sa mga presinto sa munisipalidad ng Tayum sa Abra. Photo courtesy of Comelec Abra

Kinakailangang maglakad ng mga opisyal nang ilang oras para maihatid ang mga vote counting machine at balota sa mga presinto sa munisipalidad ng Lacub sa Abra. Photo courtesy of Comelec Abra

Kinakailangang maglakad ng mga opisyal nang ilang oras para maihatid ang mga vote counting machine at balota sa mga presinto sa munisipalidad ng Malibcong sa Abra. Photo courtesy of Comelec Abra

Kinakailangang maglakad ng mga opisyal nang ilang oras para maihatid ang mga vote counting machine at balota sa mga presinto sa munisipalidad ng Malibcong sa Abra. Photo courtesy of Comelec Abra