Motorcycle rider patay sa pamamaril sa Samar

ABS-CBN News

Posted at May 12 2019 06:51 PM

Napatay nitong umaga ng Linggo ang isang motorcycle rider matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Santa Margarita, Samar.

Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si Damoso Decallar, 52, residente ng Barangay Ilo sa nasabing bayan.

Nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo si Decallar nang pagbabarilin ng 2 salaring sakay ng motorsiklo gamit ang hindi pa natutukoy na klase ng baril, ayon kay Police Capt. Zaldy Cagampang.

Nakatakbo pa sa damuhan ang biktima, na nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Nabatid din na dating nahuli sa ilegal na sabong ang biktima pero nakalaya nang magpiyansa.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. --Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.