PatrolPH

Higit P500-K halaga ng 'shabu' nasabat sa buy-bust sa QC

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at May 12 2019 08:15 AM

MANILA - Inaresto ng mga pulis ang isang lalaki at babae na mag-asawa sa isang buy-bust operation sa Brgy. Payatas, Quezon City. 

Ayon sa paunang ulat ng pulisya, ikinasa nila ang buy-bust laban sa isang alyas Antonio sa bahay mismo nito sa Upper Everlasting Road, Area A, Brgy. Payatas.

Sampung libong piso ang binili ng nagpanggap na buyer mula sa suspek. 

Nakuha mula kay Antonio ang anim na bulto ng hinihinalang shabu na may timbang na 80 gramo at may street value na P544,000. 

Arestado rin ang asawa nitong si alyas Melissa. 

Ayon kay Kagawad Roberto Arca ng Brgy. Payatas, wala sa drugs watchlist nila ang mag-asawa pero may mga natatanggap silang report tungkol sa bentahan ng droga sa naturang lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.