PRC sa Morayta, nakatanggap ng bomb threat

ABS-CBN News

Posted at May 12 2017 12:47 PM | Updated as of May 12 2017 12:56 PM

MANILA (UPDATED)- Pinalikas ang mga empleyado at iba pang mga tao sa Professional Regulation Commission (PRC) sa Morayta matapos makatanggap ng bomb threat ang mga gwardya nitong Biyernes.

Natanggap ang bomb threat bandang alas-11 ng umaga. Nakalabas na ang lahat ng mga nasa sa tanggapan at rumesponde na rin ang mga pulis.

Sinara naman ang ilang bahagi ng kalsada at ipinagbabawal ang paglapit sa gusali ng PRC.

Ayon sa pulisya, nakatanggap ang isang gwardya ng ulat na may bomb threat ang PRC at sinabi ito sa officer-in-charge nila.

Agad namang inalerto ng OIC ang mga awtoridad ukol sa nasabing bomb threat.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung paano nakuha ng nasabing gwardya ang bomb threat.

Kanselado muna ang trabaho sa PRC hangga't hindi pa natitingnan ng bomb squad ng Manila Police District ang gusali. - ulat ni Dennis Datu, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.