MRT-3 nagkaaberya, biyahe mula North Ave-Shaw lamang

Zhander Cayabyab, DZMM

Posted at May 12 2017 09:23 AM | Updated as of May 12 2017 10:08 AM

Hindi pa matukoy kung ano ang dahilan sa panibagong aberya ng MRT-3 Biyernes ng umaga.

Nagpaskil na ang mga guwardiya ng mga karatula na nagsasabing provisional lamang ang schedule ng operation ng MRT-3 dahil walang biyahe ng tren mula Taft Avenue patungong Shaw Boulevard.

Ang biyahe lamang ng MRT-3 ay mula North Avenue sa Quezon City hanggang Shaw Boulevard sa Mandaluyong at pabalik.

Ang mga pasaherong nakapila sa Taft Avenue sa Pasay ay maaaring maghintay na bumalik sa normal ang operasyon ng tren o mag bus na lamang.

Dahil sa biglaang pagkakaantala ng operasyon ng MRT, ang mga nakasakay na sa tren ay napilitan nang maglakad sa gilid mismo para makarating sa estasyon.
 
Samantala, magpapadala naman ng tatlong behikulo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para magbigay ng libreng sakay sa mga stranded na pasahero sa southbound ng MRT-3

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.