Kadamay, nagprotesta sa NHA

Zhander Cayabyab, DZMM

Posted at May 12 2017 03:04 PM

Nag-protesta ang grupong Kadamay sa harap ng National Housing Authority (NHA) nitong Biyernes. Photo by Zhander Cayabyab, DZMM

MANILA - Inireklamo ng grupong Kadamay nitong Biyernes ang demolisyon sa mga bahay sa Sitio San Roque sa EDSA at Agham, Quezon City sa isang protesta sa harap ng tanggapan ng National Housing Authority (NHA).

Ilan sa kanilang mga lider ang pinapasok sa NHA upang makipag-usap. Tatayuan ng isang central business district and lugar kung saan giniba ang mga bahay.

Ayon kay Gloria Arellano, chairperson ng Kadamay, inaalok ang pamilya ng mga informal settler ng P100,000 para sa balik-probinsya program at may ilang payag na rito.

Ngunit naninindigan ang Kadamay na hindi dapat pumayag sa perang alok ng gobyerno ang mga pamilya.

Ang mga ayaw umalis ay posibleng iurong lang ang kanilang mga barung-barong sa loob pa rin ng sitio na hindi tatamaan ng konstruksyon.

Ayon sa Kadamay, may susunod pang dayalogo sa NHA hinggil sa mga panukalang ito.

Payapa namang umalis ang mga nag-protesta matapos ang kanilang programa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.