53,000 kabahayan sa MM, pansamantalang mawawalan ng tubig

ABS-CBN News

Posted at May 12 2017 12:31 PM | Updated as of May 12 2017 11:14 PM

Nasa 53,000 kabahayan sa Metro Manila ang pansamantalang mawawalan ng tubig mula Lunes, Mayo 15, 8:00 ng gabi hanggang Martes, Mayo 16, 6:00 ng umaga, anunsiyo ng Manila Water.

Dahilan umano nito ang pagsisimula ng unang bahagi ng pagpapalit ng tubo at relocation works sa Parian Creek, Barangay Kapasigan, Pasig City, ayon sa service advisory ng Manila Water.

 

Inaasahang maaapektuhan ang mga sumusunod na barangay: 

PASIG

Kapasigan
Bagong Katipunan
Sta. Cruz
Kalawaan
San Jose
Malinao
Sto. Tomas
Buting
Sta. Rosa
Palatiw
Bambang
Sumilang
San Nicolas
San Joaquin

TAGUIG

Ususan
Tuktukan
Sta. Ana
Ibayo Tipas
Ligid Tipas
Napindan
Palingon
Calzada
Wawa
San Miguel
Hagonoy
Bambang
Ilang parte ng New Lower Bicutan
 
All barangays in PATEROS

Pinapayuhan ng Manila Water ang mga residente ng apektadong lugar na mag-imbak na ng sapat na tubig para sa panahong mawawalan ng tubig. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.