PatrolPH

LTO kulang ng higit 234,000 driver's license cards

Jose Carretero, ABS-CBN News

Posted at May 11 2023 07:27 PM

MAYNILA - Umabot na sa 234,149 na piraso ng mga driver’s license cards ang backlog ng Land Transportation Office.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) chief Jay Art Tugade, ito ang resulta ng imbentaryo nila hanggang Mayo 2, 2003.

Sa 350 na LTO offices sa buong bansa, ayon kay Tugade, nasa 172 opisina ang walang plastic cards.

Ang natitira na lamang ay nasa 83,490 as of May 2.

Sinabi ito ni Tugade sa isinagawang hybrid meeting ng House Committee on Transportation Huwebes ng hapon.

"The total backlogs as of May 2 stands at 234,149 pieces” ani Tugade.

Nagpapatuloy naman ang procurement process ng Department of Transportation ayon kay Tugade.

"The opening and submission of the bids has been rescheduled has been scheduled on May 2023 and the target completion of the procurement is July of 2023," dagdag pa ni Tugade.

Ang unang schedule ng driver’s license card ayon kay Tugade ay gagawin sa loob ng 60 calendar days mula sa issuance ng Notice to Proceed.

Ilan sa mga hakbang na ginawa ng LTO ayon kay Tugade ang pag-re-allocate ng mga available na supply ng driver’s license card.

"Nag-forecasting po kami ang inadjust po namin ang mga on hand inventory ng iba-ibang offices po namin," paliwanag ni Tugade.

Pangalawa sa ginawa ng LTO ayon kay Tugade ang pag-authorize na gumamit ng temporary drivers license o ang OR na nakaimprenta sa papel bilang temporary driver’s license.

Ayon kay Tugade, nakipagpulong sila sa ilang law enforcement officers at mga LTO deputized agents sa ginawa nilang hakbang.

Isa pa sa mga ginawa ang extension ng validity ng driver’s license na nag expire simula Abril 24, 2023 hanggang Oktubre 31, 2023 o sa loob ng anim na buwan.

Ayon kay Tugade para mapunan ang mga backlogs sa drivers license, maglalagay ang LTO ng temporary off site printing office para sa pag imprenta ng driver’s license backlogs.

Bukas din ng Sabado hanggang Linggo ang LTO Licensing Centers para ma-accommodate ang mga backlogs habang may compulsory overtime ang mga kawani nila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.