PatrolPH

5 posisyon naipanalo ng pamilya Kho sa Masbate ngayong Halalan 2022

ABS-CBN News

Posted at May 11 2022 10:21 PM

Larawan kuha ni DJ Papa Sam
Larawan kuha ni DJ Papa Sam

Naiproklama nang panalo sa Halalan 2022 ang ilang miyembro ng pamilya Kho sa probinsiya ng Masbate nitong umaga ng Miyerkoles.

Nanalo si reelectionist Masbate Governor Antonio Kho, para sa kanyang huling termino laban kay incumbent Masbate 1st District Representative Narciso "Bong" Bravo.

Panalo naman bilang bise gobernador ang asawa ni Kho na si incumbent 2nd District Representative Olga Kho.

Wagi rin sa halalan ang tatlong anak ng mag-asawa bilang kongresista sa tatlong distrito ng probinsiya.

Ito ay sina 1st district Rep. Richard Kho na bagong sabak sa pulitika, 2nd district Rep. Ara Kho (incumbent vice governor), at ang reelectionist na si 3rd district Rep. Wilton Kho.

I-bookmark ang ABS-CBN News Halalan results para sa partial unofficial tally ng election returns.  

Para naman sa iba pang updates, sundan ang live blog ng ABS-CBN News. 

— ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.