Naiproklama na ang nanalong bagong gobernador ng lalawigan ng Albay na si Noel Rosal, Martes ng gabi.
Nakakuha si Rosal, outgoing na Legazpi City Mayor, ng 469,481 mga boto habang halos kalahati lamang nito ang nakuhang boto ng katunggali nito na si incumbent Albay Governor Al Francis Bichara na may 238,746 votes.
Huling termino na sana ito ni Bichara, habang 18 taon naman na umupo bilang alkalde ng Legazpi City si Rosal.
Panalo naman ang re-eleksyonista na si Albay Vice Governor Grex Lagman na nakakuha ng 463,879 na mga boto kontra sa kanyang katungali na si Harold Imperial na nakakuha ng 158,022 votes.
Mananatili sa pagkakongresista ng Albay 1st Legislative District si Rep. Edcel Lagman na nakakuha ng 169,139 votes, gayon din si Rep. Joey Salceda ng 2nd District na nakakuha ng 225,851 na boto.
Wala namang kalaban sa 3rd District ng Albay si Rep. Fernando Cabredo na nakakuha naman ng 165,111.—Ulat ni Mitch Villanueva
KAUGNAY NA BALITA
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.