Mga nahuling lumabag sa quarantine protocols sa Pampanga mahigit 5,000 na

ABS-CBN News

Posted at May 11 2021 05:24 AM | Updated as of May 11 2021 05:25 AM

Umabot na sa mahigit 5,000 ang mga nahuling lumalabag sa quarantine protocols sa lalawigan ng Pampanga.

Nitong weekend, umabot na 54 ang nahuli sa San Fernando City, kung saan 8 ang menor de edad.

Sa buong Pampanga umabot na sa 5,339 ang mga nahuling lumalabag sa quarantine protocols, kabilang na ang hindi pagsusuot ng face mask at face shield.

Nakasuhan na ang lahat ng lumabag sa mga patakaran. Maaaring makulong nang hanggang 6 na buwan o magmulta mula P20,000 hanggang P50,000 ang mga lalabag. — Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.