PatrolPH

Mga kukuha ng ayuda inararo ng truck matapos atakihin sa puso ang driver

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at May 11 2021 01:45 PM | Updated as of May 11 2021 07:10 PM

Watch more on iWantTFC

(UPDATE) Inararo ng isang dump truck ngayong Martes ang pila ng mga kukuha ng ayuda sa city hall ng San Jose del Monte, Bulacan matapos umanong atakihin sa puso ang driver ng dump truck.

Naisugod pa sa ospital ang driver ng dump truck na si Herminio Gerona, 57, pero idineklara ring dead on arrival, ayon sa pulisya.

Limang residente umano ang nasugatan at isinugod din sa ospital habang 4 naman ang nilapatan na lang ng paunang lunas matapos magtamo ng mga gasgas sa katawan.

Watch more on iWantTFC

Ayon sa mga awtoridad, pagmamay-ari ng city government ang truck na minamaneho ni Gerona.

Sasagutin umano ng city government ang gastos ng mga nasugatan pati na ang pagpapalibing sa driver na empleyado nila.

Plano rin daw ng lokal na pamahalaan ng San Jose del Monte na ilipat ang kuhanan ng ayuda para maiwasan ang ano mang aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.